Mga Karunungang Bayan
Ang Karunungang Bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagigigng daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
Ang Karunungang Bayan ay may kahalagahan sa pagbasa ng panitikan, maangkin ng mga mag-aaral ang isang kamalayan para sa katutubong tradisyon na magiging gabay sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik, sa anumang wika naisusulat ito, sa pananaw ng isang Pilipino. sa gayo'y napatibay ang mga pagpapahalaga sa mga kultura't kabihasnan. masasabi niyang mayroong siyang sariling tradisyon ng ibang pook sa daigdig. makikintal din sa kanyang isipan na nararapat na pagyamanin ang magagandang kinagisnan at higit na pagbutihain ang kasalukuyang hinaharap.
Salawikain
Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga. Ito rin ay batay sa kagandahang asal mula sa mga patulang pahayag na kadalasan ay may sukat at tugma na naging bahagi ng pananalita ng bayan. Binigyang diin sa mga salawikain ang ibinibigay nitong aral. Ang pangkalahatang katotohanan at mga batayang tuntunin sa kaasalan.
Mga Halimbawa ng Salawikain:
Puri sa harap, sa likod paglibak
Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron
Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
Ang taong tamad, kadalasa'y salat
Sawikain
Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaganapan o sitwasyon o sa pormang patalinhaga.
Mga halimbawa ng Sawikain:
Anak-dalita - mahirap
Alilang-kanin - utusang wanlang sweldo,pagkain lang
Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran
Bungang-tulog - panaginip
Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal
Mahapdi ang bituka - nagugutom
Halang ang bituka - salbahe,desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao
Makapal ang bulsa - maraming pera
Butas ang bulsa - walang pera
Kusang palo - sariling sipag
Nagsusunog ng kilay - nagsusumikap
Kasabihan
Ang kasabihan ay sumasalamin sa mga paniniwala, ugali, tradisyon, pamumuhay at kilos o galaw ng mga tao.
Huwag kang magtiwala sa 'di mo kakilala.
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Bugtong
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
Mga Halimbawa ng Bugtong:
Buto't balat lumilipad. Sagot: Saranggola
Dalawang bangyasan, naghahagaran. Sagot: Binti
Tubo sa punso, walang buko. Sagot: Buhok
Limang puno ng niyog, isa'y matayog. Sagot: Daliri
Dalawang balahibuhin, masarap pagdaitin. Sagot: Mata at kilay
Isang bayabas, pito ang butas. Sagot: Mukha
Kung kailan mo pinatay, saka pa humihintay Sagot: kandila
Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: langka
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya
Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino
Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper
Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo
http://poklorista.weebly.com/ano-ang-karunungang-bayan.html
http://tl.wikipedia.org/wiki/Salawikain
https://www.facebook.com/AsignaturangFilipino/posts/396241757100591
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Proverbs/kasabihan-filipino-sayings.html
http://tl.wikipedia.org/wiki/Bugtong
http://tl.wikipedia.org/wiki/Salawikain
https://www.facebook.com/AsignaturangFilipino/posts/396241757100591
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Proverbs/kasabihan-filipino-sayings.html
http://tl.wikipedia.org/wiki/Bugtong
Hard Rock Hotel and Casino Reno - MapYRO
ReplyDeletev 화성 출장마사지 in an effort to close the two-year-old gambling enclave 태백 출장마사지 on 영주 출장마사지 a private beach in Nevada, The Hard Rock Hotel and Casino 청주 출장샵 on the 경기도 출장샵